Welcome Guest [Log In] [Register]
Add Reply
alma mater CMU!; basahin wag tignan! ito ay makahulugan
Topic Started: Aug 23 2011, 01:31 PM (253 Views)
jerwin palmario
Unregistered

ilang taon na nung nagtapos ako sa isang munting unibersidad na matatgpuan sa pagitan kalsada ng pamapano at mayamaya! pumasok ako noong 2006 at nagtapos ng 2010! ang buhay sa unibersidad ay masaya! ligawan, inuman, harutan, biruan, awayan, at pagbuo ng totoong kaibigan! sa apat na taong inilagi ko sa unibersidad natuto akong makibagay sa tao, makisalamuha sa ibang estudyante na iba ang kurso. nakipag talasatasan sa mga kapwa ko political science students. misan nga sa propesor na nakikipag palitan ng idea sa mga bagay bagay na aming tinatalakay.

masarap ang buhay kolehiyo! dito nag uumpisang mag seryoso ang mga kagaya ko na walang plano ang buhay, o hindi pa nahahanap kung ano talaga ang nais mangyari sa buhay. minsan dito nakikilala yung mga taong magiging parte na ng ating buhay sa darating na hinaharap. gaya ko!

sabi nila ang paaralan ang ating ikalawang tahana! ang mga guro ang ating ikalawang magulang! nasa ikatlong baytang na ako ng kolehiyo nung namulat ako sa nangyayari sa aking paligid! ang nangyayari sa aking pangalawang tahanan! ang unibersidad na aking ginagalawan. nakita ko ang realidad na may maling nagaganap sa unibersidad! may maling ginagawa ang aking mga pangalawang magulang!

nang isipin kong palalimin ang aking kaalaman sa problema! nasagi ko ang ilang mga kapwa ko estudyante na kaparehas ko ng nararamdaman. ilang mga propesor na gaya naming mag isip. na nakikita ang mga kamalian pero hindi basta makapalag dahil trabaho nila ang naka sa alalang alang. pag kumibo ka, titirahin ka, aalipustahin ka, sisirain ka. hanggang sa ikaw na lang ang makaisip na umalis. gaya ng isang magaling na propesor na nakilala ko.

ang unibersidad na aking ginagalawan ay di gaya ng nababasa sa aklat! isa itong unibersidad na pinapakilos ng politika! ng inggit sa isat isa! ng ganid sa kapangyarihan! ng abusado sa kapangyarihan! ng mga taong hindi mo nanaising maging pangalawang magulang! pero hindi lang pala ito ang problema sa unibersidad na ito! isa lang pala ito sa mga problemang nakaka apekto sa pag aaral ng mga estudyanteng gaya ko!

mayroong kursong Infromation Technology dito, pero wala ni isang computer ang maayos na magagamit! may Mechanical Engineering Technology, pero wala ni isang makinang pag aari ang unibersidad upang mahasa ang mga kumukuha ng kurso! may accountancy, may education, may bussiness managemant, may journalism at political science na kurso ko! pero may mga problema dito! una kakulangan ng gamit na panturo! pangalawa mga propesor na kulang ang kaalaman sa mga subject na tinuturo! libo libong mga estudyanteng nag hahangad makapag aral, iginagapang ng kanilang mga magulang sa pag aakalang maiaahon sila sa kahirapan kapag nakapag tapos aNg kanilang mga anak! pero ang nakakalungkot na katotohanan hindi iyon ang nangyayari!

sira sirang upuan! maruming palikuran! hindi maayos na proseso sa pag eenrol! hindi makatarungang pag bibigay ng grado! mga propesor na puro DOTA ang alam. mga dekanong kasing sungit ng leon. unibersidad na walang seguridad! nung nasa kolehiyo pa ako ilang serye ng holdapan ang naganap! kadalasan mga estudyante ang biktima! kinalampag namin ang administrasyon ng unibersidad pero kipit balikat nilang ipinagsawalang bahala ang aming reklamo. isang katanghaliang tapat sa tapat mismo ng unibersidad ay nagkaroon ng holdapan! nabaril pa ang isang taong naghahanap buhay na muntik pa niyang ikinamatay! minsan may nasagasaan din sa tapat ng unibersidad! pero walang ginawa ang mga nakatataas! parang wala silang responsibilidad! matalim ang mga mata ng mga nasa pamunuan sa aming mga kamalian! dapat daw alam namin ang aming mga karapatan. ang lahat daw ng aming mga karapatan ay naka saad sa "handbook" na kahit minsan di ko nasilayan!

akala ko at siguro maging nung iba kong kapwa estudyanteng nagtapos sa unibersidad ok lang kahit hindi maayos magturo si maam o si sir! basta ang mahalaga pasado! walang penalty na babayaran! yung iba nga kahit mas malaki pa ang penalty na babayaran kesa sa matrikula ok lang eh ang mahalaga di umulit sa subject! hindi bumagsak! pero mali ako! mali kami!!!

ngayon ilan bang produkto ng unibersidad ang nagtrarabaho? ang angkop ang trabaho sa napiling kurso? ang may trabahong sumasahod ng nasa standard ng gobyerno? mabibilang ko sa kamay ang mga kilala kong nasa unang kategorya! ang may mga tabaho! pero ang karamihan ay hindi angkop sa kurso! o wala sa minimum ang sahod!

paano ba masusukat ang tagumpay ng unibersidad sa pag hubog ng kaalaman sa kanyang mga mag aaral? masaya na ba itong makapag patapos ng halos isang libo kada taon? na makita ang mga estudyanteng naka suot ng itim na toga at may ngiting abot tenga na umaakyat ng entablado abot abot ang diploma? dun ba natatapos ang kanilang responsibilidad?

mamulat sana tayo sa katotohanan! may mali sa sistema ng unibersidad na dapat ayusin! hindi kang basta sistema ang problema kundi ang mga taong nagpapatakbo sa sistema! kawawa naman yung mga estudyante! sana mamulat sila sa katotohanan! hindi dapat basta makapag tapos lang! hindi sana makapag patapos lang!

para ito sa mga kapwa ko nagtapos sa unibersidad ng malabon at sa mga patuloy na nagsusunog pa ng kilay!
Quote Post Goto Top
 
Ms.Mercado
Palaboy
ahehehe..... akmang-akma sir!
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
BatangTuligsa
Member Avatar
Community Troll
Somehow I just read the 1st line then the last line
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
Ms.Mercado
Palaboy
why??? ^^
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
Guest
Unregistered

then you should have read the whole content sir!
Quote Post Goto Top
 
Editor-in-Chief
Palaboy
Nice. . . hehe mejo kinabhan ako sa magiging buhay ko pagka-graDUATE. anyway, may dadating pong 50 computers sa skul with printers. binili ng skul sa city hall. . heheh ewan ko lang kung mgkano yung bili
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
Guest
Unregistered

Editor-in-Chief
Aug 24 2011, 04:58 PM
Nice. . . hehe mejo kinabhan ako sa magiging buhay ko pagka-graDUATE. anyway, may dadating pong 50 computers sa skul with printers. binili ng skul sa city hall. . heheh ewan ko lang kung mgkano yung bili
hahahhaa e di maganda! sana updated ng Operating System at sana high end and specs para matutp ang mga estudyante! pero so far kulang pa din ang 50 computers for a course with a huge population like I.T hindi lang yun! lahat naman ng estudyante kahit iabng kurso ay gumagamit ng computer kaya nga merong computer laboratory fee na before ay tinanong din kung saan napupunta dahil walang improvement ang mga facilities pero binabayaran ng lahat ng estudyante! dati nag propose na ng pagbili ng computer pero di natuloy dahil sa laki ng TONGPATS dito!
Quote Post Goto Top
 
BatangTuligsa
Member Avatar
Community Troll
I've read hundreds of those already that's why
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
1 user reading this topic (1 Guest and 0 Anonymous)
DealsFor.me - The best sales, coupons, and discounts for you
« Previous Topic · The Freedom Wall · Next Topic »
Add Reply